Lunes, Marso 4, 2013


MGA NILALAMAN NG AMING MGA GAWAIN


UNANG MARKAHAN
  1. BATANG-BATA KA PA ng APO Hiking Society
  2. ANG SUNDALONG PATPAT ni  Rio Alma
  3. ISANG DOSENANG KLASE NG HIGHSCHOOL STUDENT: Sipi mula sa Aba, Nakakabasa na Pala Ako! ni Bob Ong
  4. SANDAANG DAMIT ni Fanny Garcia
  5. KUNG BAKIT UMUULAN: Isang Kuwentong Bayan
  6. ALAMAT NI TUNGKUNG LANGIT ni Roberto Añonuevo
  7. SALAMIN ni Assunta Cuyegkeng
  8. ANG PINTOR ni Jerry Gracio
  9. IMPENG NEGRO ni Rogelio R. Sikat
  10. ANG AMBAHAN NI AMBO ni Ed Maranan
IKALAWANG MARKAHAN
  1. NEMO, ANG BATANG PAPEL ni Rene O. Villanueva
  2. MABANGIS NA LUNGSOD ni Efren R. Abueg
  3. ANG ALAMAT NI DARAGANG MAGAYON
  4. KAY MARIANG MAKILING ni Edgar Calabia Samar
  5. ANG MGA DUWENDE ni Isang Kuwentong-Bayan mula sa Bikol
  6. TRESE Isyu 5 ni Budjette Tan
  7. ALAMAT NG WALING-WALING
  8. MGA ALAMAT NI JOSE RIZAL: Kabanata 3, El Filibusterismo ni Jose Rizal
  9. NAPAGAWI AKO SA MABABANG PAARALAN
  10. PAGLISAN SA TSINA ni Maningning Miclat
IKATLONG MARKAHAN
  1. PIMPLES, BRACES AT GWAPIGS ni Pol Medina Jr.
  2. SIPI MULA SA LIBRONG TUTUBI, TUTUBI, ‘WAG KANG MAGPAPAHULI SA MAMANG SALBAHE   
  3.  ANG KAPANGYARIHAN NG WIKA, ANG WIKA NG KAPANGYARIHAN ni Conrado de Quiros
  4.  PANDESAL
  5. PORK EMPANADA ni Tony Perez
  6. IBONG ADARNA
  7. MAGKABILAAN ni Joey Ayala
  8. NANG MAGING MENDIOLA KO ANG INTERNET DAHIL KAY MAMA ni Abegail Joy Yuson Lee
IKAAPAT NA MARKAHAN
  1. HARI NG TONDO AT UPUAN ni Gloc 9
  2. SIPI MULA SA “AMPALAYA (ANG PILIPINAS 50 TAON MAKATAPOS NG BAGONG MILENYO)” ni Reuel Molina Aguila
  3. NAGSIMULA SA PANAHON NG YELO
  4. BAGONG BAYANI ni Joseph Salazar
  5. BAYAN KO: LABAN O BAWI ni Jose F. Lacaba
  6. PULANGI: ANG ILOG NA HUMUBOGSA MARAMING HENERASYON
  7. OBRA ni Kevin Bryan Madrin
  8. BERTDEY NI GUIDO
MGA GAWAIN SA UNANG MARKAHAN

Linggo 1
BATANG-BATA KA PA
APO Hiking Society
Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
‘Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang
Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat ng kailangan mong malaman
Buhay ay ‘di ganyan
Tanggapin mo na lang ang katotohanan
Na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam
Makinig ka na lang
Makinig ka na lang
Ganyan talaga ang buhay
Lagi kang nasasabihan
‘Pagkat ikaw ay bata
At wala pang nalalaman
Makinig ka sa ‘king payo
‘Pagkat musmos ka lamang
At malaman nang maaga
Ang wasto sa kamalian
Batang-bata ako nalalaman ko ‘to
Inaamin ko rin na kulang
Ang aking nalalaman at nauunawaan
Ngunit kahit ganyan ang kinalalagyan
Alam ko na may karapatan ang bawat nilalang
Kahit bata pa man
Kahit bata pa man
Nais ko sanang malaman
Ang mali sa katotohanan
Sariling pagdaranas
Ang aking pamamagitan
Imulat ang isipan
Sa mga kulay ng buhay
Maging tunay na malaya
Sa katangi-tanging bata
Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
Nais ko sanang malaman
Ang mali sa katotohanan
Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat ng
Kailangan mong malaman
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang
Batang-bata ka pa
Batang-bata ka pa
Batang-bata ka pa
Batang-bata ka pa
1
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
Learning PackageLinggo 2 Linggo 2
2 3
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
Learning Package Learning Package
ANG SUNDALONG PATPAT
Rio Alma
Unang Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng sampalok. “Saan
ka dadalhin ng kabayong payat?” “Hahanapin ko ang nawawalang ulan,” sagot ng
Sundalong Patpat habang inaayos ang papel na sombrero. “Pero hindi hinahanap ang
ulan,” nagtatakang nagkamot ng tuktok ang sampalok. “Dumarating ito kung kailan
gusto.” “Kung gayon, aalamin ko kung bakit matagal nang ayaw dumalaw ng ulan,”
sagot ng Sundalong Patpat at pinatakbo ang kaniyang kabayong payat.
Ikalawang Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng manok.
“Saan ka dadalhin ng kabayong payat?” “Hahanapin ko ang nakalimot na ulan,”
sagot ng Sundalong Patpat habang nagpupunas ng pawis na tumatagaktak. “Pero
hindi hinahanap ang ulan,” nagtatakang tilaok ng manok. “Dumarating ito kung
tinatawagan at dinasalan.” “Kung gayon, aalamin ko kung bakit matagal nang hindi
makarinig ang ulan,” sagot ng Sundalong Patpat at pinatakbo ang kaniyang kabayong
payat.
Ikatlong Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng bundok. “Saan
ka dadalhin ng kabayong payat?” “Hinahanap ko ang nawawalang ulan,” sagot ng
Sundalong Patpat habang hinihimas ang kabayong humihingal. “Matagal nang umalis
dito ang ulan,” paliwanag ng kalbong bundok. “Nagtago sa pinakamataas na ulap.”
“Kung gayon, aakyatin ko ang ulap,” sabi ng Sundalong Patpat at umimbulog agad sa
simoy na pumapagaspas.
Ikaapat na Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng ulap. “Saan
ka dadalhin ng kabayong payat?” “Hinahanap ko ang nagtatagong ulan,” sagot
ng Sundalong Patpat habang tinatapik ang nahihilong kabayong payat. “Matagal
nang umalis dito ang ulan,” paliwanag ng maputlang ulap. “Nagtago sa pusod ng
dagat.” “Kung gayon, sisisirin ko ang dagat,” sabi ng Sundalong Patpat at lumundag
pabulusok sa mga along nakatinghas.
Ikalimang Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng dagat. “Saan
ka dadalhin ng kabayong payat?” “Hinahanap ko ang nagtatagong ulan,” sagot ng
Sundalong Patpat at iwinasiwas ang espadang patpat. “Pero hindi nagtatago ang
ulan,” paliwanag ng nagniningning na dagat. “Ibinilanggo ni Pugita sa kaniyang
mutyang perlas.” “Kung gayon, papatayin ko si Pugita,” sabi ng matapang na
Sundalong Patpat. “Palalayain ko ang ulan.”At sinugod ng Sundalong Patpat sakay ng
kaniyang kabayong payat ang yungib ni Pugita. Nagulat si Pugita sa biglang pagpasok
ng Sundalong Patpat na iwinawasiwas ang espadang patpat. Nagulat si Pugita sa
liksi at lakas ng maliit na Sundalong Patpat. Nagulat si Pugita sa talim at talas ng
kumikislap na espadang patpat.
Una at Ikalawang Pangkat: Mabilis at isa-isang tinigpas ng Sundalong Patpat ang
malalaki’t mahahabang galamay ng mabagal at matabang dambuhala. Isa, dalawa,
tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Walo! Huli na nang magbuga ng maitim na tinta si
Pugita. Nasungkit na ng Sundalong Patpat ang mutyang perlas na nakapalawit sa
kuwintas ng nalumpong hari ng dagat!
Ikatlo at Ikaapat na Pangkat: Hawak ang perlas, dali-daling sumibad patungong
pampang ang Sundalong Patpat sakay ng mabilis na kabayong payat. Pag-ahon
ay agad niyang ipinukol ang mutyang perlas paitaas, mataas, mataas na mataas,
hanggang umabot sa tiyan ng ulap at sumabog na masaganang ulan.
Ikalimang Pangkat: Nagbunyi ang buong daigdig. Sumupling muli’t naglaro ang mga
damo’t dahon. Nagbihis ng luntian ang mga bukid at bundok. Muling umawit ang
mga ibon at ilog...
Lahat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng sampalok. “Saan ka na
naman dadalhin ng kabayong payat?” “Hahanapin ko ang gusi ng ginto sa puno
ng bahaghari,” sagot ng makisig na Sundalong Patpat at pinatakbo ang makisig na
kabayong payat.Lingo 3 Lingo 3
4 5
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
Learning Package Learning Package
ISANG DOSENANG KLASE NG HIGHSCHOOL STUDENT
Sipi mula sa Aba, Nakakabasa na Pala Ako! ni Bob Ong
Sa mata ng isang guro, may isang dosenang klase lang ng high school students.
Clowns – Ang official kenkoy ng klase. May mga one-liner na gumigising sa lahat pag
nagkakaantukan na. Sabi ng ilang teacher, eto raw yung mga KSP sa klase na dahil hindi
naman matalino e idinadaan na lang sa patawa ang pagpapapansin. Pero aaminin ko
walang klaseng walang ganito, at kung meron man, magiging matinding sakripisyo ang
pagpasok sa eskuwela araw-araw.
Geeks – Mga walang pakialam sa mundo, libro-teacher-blackboard lang ang
iniintindi. Kahit na mainit ang ulo at bad trip ang teacher, ang mga geeks ang walang
takot na lumapit sa kanila para lang itanong kung mag-iiba ang result ng equation kung
isa-substitute yung value ng X sa Y
Holow Man – May dalawang uri ang HM virus, ang type A at type B. Ang type A ay
ang mga estudyanteng madalas invisible, bakante ang upuan, madalas absent. Type B
naman ang mga mag-aaral na bagama’t present e invisible naman madalas ang sagot sa
mga quiz; hollow ang utak.
Spice Girls – Barkadahan ng mga kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay pero
laging late na pumapasok ng room pagkatapos ng recess at lunch breack. Madalas na
may hawak na suklay, brush at songhits. Pag pinagawa mo ng grupo ang isang klase,
laging magkakasama sa iisang grupo ang SG.
Da Gwapings – ang male counterpart ng SG, isinilang sa mundo para magpa-cute.
Konti lang ang miyembro nito, mga dalawa hanggang apat lang, para mas pansin ang
bawat isa. Tulad ng SG, kadalasang puro hair gel lang ang laman ng utak ng mga DG.
Celebrities – Politicians, atheletes at performers. Politicians ang mga palaban na
mag-aaral na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng eskuwelahan at mga kapwa estudyante
kesa sa grades nila sa Algebra. Athletes ang ilang varsitarian na kung gaano kabilis
tumakbo e ganoon din kabagal magbasa. Performers naman ang mga estudyanteng
kaya lang yata pumapasok sa eskuwela e para makasayaw, makakanta, at makatula sa
stage tuwing Linggo ng Wika. Sa pangkalahatan ang mga celberity ay matinding PR, pero
mababang IQ.
Guinness –Mga record holders pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ng
kasipagan ang kakulangan ng katalinuhan. Sila ang kadalasang nagtatagumpay sa buhay.
Masinop sa projects, aktibo sa recitation. Paulit-ulit at madalas magtaas ng kamay kahit
na laging mali ang sagot.
Leather Goods – Mga estudyanteng may maling uri ng determinasyon. Laging
determinado ang mga ito sa harapang pangongopya, bulgarang pandaraya, at palagiang
pagpapalapad ng papel sa teacher. Talo ang balat ng mga buwaya sa pakapalan.
Weirdos – Mga Problematic students, misunderstood daw, kadalasang tinatawag
na black sheep ng klase. May kanya-kanya silang katangian: konti ang kaibigan, madalas
mapaaway, mababa ang grades, at teacher’s enemy.
Mga Anak ni Rizal – Ang endangered species sa eskuwelahan. Straight ‘A’ students,
pero well rounded at hindi geeks. Teacher’s pet pero hindi sipsip. Hari ng Math, Science,
at English, pero may oras pa rin para sa konting extra-curricular activities at gimmicks.
Bob Ongs – Mga medyo matalino na medyo may sayad. Eto’ yung estudyanteng
habang nagle-lecture ‘yung teacher e pinaplano na’yung librong ipa-publish n’ya tungkol
sa classmates n’ya.
Commoners – Mga generic na miyembro ng klase. Kulang sa individuality at
katangiang umuukit sa isipan. Hindi sila kagad napapansin ng teacher pag absent, at
sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong unang nakakalimutan ng mga teachers at
classmates nila.
Posibleng may mga estudyante na ang katangian ay kombinasyon ng mga nabanggit.
Posible ring hindi lahat ng uring estudyante ay makikita sa iisang klase.
Pp 99-102 ng librong ABNKKBSNPLAko?! Mga Kuwentong Chalk ni Bob Ong.Linggo 4 Linggo 4
6 7
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
Learning Package Learning Package
May isang batang mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay kapansin-pansin ang
kanyang pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa isang sulok. Kapag
nakaupo na’y tila ipinagkit. Laging nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang
kapag tinatawag ng guro. Halos paanas pa kung magsalita.
Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang natuklasang kaiba ang kanyang
kalagayan sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa kanya. Mayayaman
sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa paaralan. Malimit nila
siyang tuksuhin sapagkat ang kanyang damit, kahit nga malinis, ay halatang luma na,
palibhasa’y kupasin at punung-puno ng sulsi.
Ilarawan ang pisikal at emosyunal na kalagayan ng batang babae.
Kapag oras na ng kainan at labasan na ng kani-kanilang pagkain, halos ayaw niyang
ilitaw ang kanyang baon. Itatago niya sa kandungan ang kanyang pagkain, pipiraso ng
pakonti-konti, tuloy subo sa bibig, mabilis upang hindi malaman ng mga kaklase ang
kanyang dalang pagkain. Sa sulok ng kanyang mata ay masusulyapan niya ang mga
pagkaing nakadispley sa ibabaw ng pupitre ng mga kaklase: mansanas, sandwiches,
kending may iba-ibang hugis at kulay na pambalot na palara.
Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagwawakas sa kanyang mga damit.
Tatangkain nilang silipin kung ano ang kanyang pagkain at sila’y magtatawanan kapag
nakita nilang ang kanyang baon ay isa lamang pirasong tinapay na karaniwa’y walang
palaman.
Kaya lumayo siya sa kanila. Naging walang kibo. Mapag-isa.
Ang nangyayaring ito’y hindi naman lingid sa kanyang ina. Sa bahay ay di minsan
o makalawa siyang umuuwing umiiyak dahil sa panunukso ng mga kaklase, at siya’y
magsusumbong. Mapapakagat-labi ang kanyang ina, matagal itong hindi makakakibo, at
sabay haplos nito sa kanyang buhok at paalong sasabihin sa kanya, hayaan mo sila anak,
huwag mo silang pansinin, hamo, kapag nakakuha ng maraming pera ang iyong ama,
makakapagbaon ka na rin ng masasarap na pagkain, mabibili na rin kita ng maraming
damit.
At lumipas pa ang maraming araw. Ngunit ang ama’y hindi pa rin nakapag-uwi ng
maraming pera kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay. Ngunit ang bata’y unti-unting
SANDAANG DAMIT
Fanny Garcia
nakaunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang makibahagi sa malaking suliranin
ng kanilang pamilya. Natutuhan niyang sarilinin ang pagdaramdam sa panunukso ng
mga kaklase. Hindi na siya umuuwing umiiyak. Hindi na siya nagsusumbong sa kanyang
ina.
Sa kanyang pagiging tahimik ay ipinalalagay ng kanyang mga kaklase na siya’y
kanilang talun-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pambubuska. Lumang damit.
Di masarap na pagkain. Mahirap. Isinalaksak nila sa kanyang isip.
Hanggang isang araw ay natuto siyang lumaban.
Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang nagkatinig ang mahirap na batang
babaeng laging kupasin, puno ng sulsi, at luma ang damit, ang batang laging kakaunti
ang baong pagkain. Yao’y isa na naman sanang pagkakataong walanng magawa ang
kanyang mga kaklase at siya na naman ang kanilang tinutukso.
“Alam n’yo,” aniya sa malakas at nagmamalakiing tinig, “ako’y may sandaang damit
sa bahay.”
Nagkatinginan ang kanyang mga kaklase, hindi sila makapaniwala.
“Kung totoo ya’y ba’t lagi na lang luma ang suot mo?”
Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit.
Ayokong maluma agad.”
“Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa’min para kami maniwala!” Iisang tinig na sabi
nila sa batang mahirap.
“Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto n’yo’y
sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung
may laso o bulaklak.”
At nagsimula na nga siyang malarawa ng kanyang mga damit. Ayon sa kanya’y
may damit siya para sa iba-ibang okasyon. May damit siyang pambahay, pantulog,
pampaaralan, pansimbahan, at iba pa.
Naging mahaba ang kanyang pagkukuwento. Paano’y inilarawan niya hanggang
kaliit-liitang detalye ang bawat isa sa kanyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng Linggo 4 Linggo 5
8 9
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
Learning Package Learning Package
isang damit na pandalo niya sa pagtitipon. Makintab na rosas ang tela nito na sinabugan
ng pinaggu[it-gupit na mumunting bulaklak at makikislap na rosas at puting abaloryo.
Bolga ang manggas. May tig-isang malaking laso sa magkabilang balikat. Hanggang
sakong ang haba ng damit.
O kaya’y ang kanyang dilaw na pantulog na may prutas sa kuwelyo, manggas, at
laylayan. O ang kanyang putting pansimba na may malapad na sinturon at malalaking
bulsa.
Mula noo’y naging kaibigan niya ang mga kaklase. Ngayo’y siya ang naging
tagapagsalita at sila naman ang kanyang tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa kanyang
kuwento tungkol sa sandaang damit. Nawala ang kanyang pagkamahiyain. Naging
masayahin siya bagaman patuloy pa rin ang kanyang pamamayat kahit ngayo’y
nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang baong mansanas o sandwich, isa o dalawang
kendi.
Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babaeng may
sandaang damit. Saka ng sumunod na araw. At nang sumunod pa. At pagkaraan ng
isang linggong hindi niya pagpasok ay nabahala ang kanyang mga kaklase at guro.
Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang matagal na lumiban sa klase. Ang
natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan.
Sumungaw ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Pinatuloy
sila at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa anumang
marangyang kasangkapan. At sa isang sulok ay isang lumang teheras at doon naratay
ang batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw ay di agad ang maysakit
ang napagtuunang-pansin kundi ang mga papel na maayos na maayos na nakahanay
at nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng teheras. Lumapit sila sa sulok na yaon
at nakita nilang ang mga papel na nakadikit sa dingding ay ang drowing ng bawat isa
sa kanyang sandaang damit. Magaganda, makukulay. Naroong lahat ang kanyang
naikuwento. Totoo’t naroon ang sinasabi niyang rosas na damit na pandalo sa
pagtitipon. Naroon din ang drowing ng kanyang pantulog, ang kanyang pansimba, ang
sinasabi niyang pamasok sa paaralan na kailanma’y hindi nasilayan ng mga kaklase dahil
ayon sa kanya’y nakatago’t iniingatan niya sa bahay.
Sandaang damit na pawang iginuhit lamang.
KUNG BAKIT UMUULAN
Isang Kuwentong Bayan
Noong unang panahon, wala pang mundo, wala pang araw at buwan, wala pang
oras, at wala pang buhay o kamatayan. Mayroon lang dalawang diyos, si Tungkung Langit, at ang kaniyang kabiyak na si Alunsina.
“Tingnan mo, mahal, lilikhain ko ang santinakpan para sa iyo!” pagmamalaking sabi
ni Tungkung Langit.
“Hayaan mong tulungan kita, kaya ko ring lumikha,” ang sabi ni Alunsina.
“Huwag kang mag-alala, mahal, ito ang regalo ko sa iyo: ang mga bituin, ang mga
planeta, ang buwan, ang mga ulap, at ang hangin.”
“Pero makapangyarihan din naman ako, dahil isa akong diyosa,” bulong ni Alunsina.
Ngumiti lang si Tungkung Langit at niyakap si Alunsina. Pagkatapos, tumindig siya nang
matikas, huminga nang malalim, at sumigaw nang pagkalakas-lakas sa kawalan.
Lahat ng sabihin ni Tungkung-Langit ay nagkatotoo. Kumalat ang sinag ng bagong
likhang araw. Kumislap-kislap ang mga bituin. Umikot ang mga planeta at lumiwanag ang
buwan. Humangin nang pagkalakas-lakas.
At naulit ito nang naulit. Mahal na mahal ni Tungkung Langit si Alunsina, kaya ayaw
niya itong mapagod. Ayaw niyang gumamit ng kahit isang daliri si Alunsina upang lumikha ng kahit isang bagay.
“Mas gugustuhin kong maupo ka na lang, magpahinga, at maging maganda,” ang sabi
ni Tungkung Langit kay Alunsina.
Ngunit sawa na si Alunsina sa ganoong klaseng buhay. Naramdaman niyang parang
wala siyang silbi bilang diyosa. Gusto niyang lumikha.
“Huwag kang mag-alala,” sabi ni Tungkung Langit sa kaniyang iniibig, “wawakasan ko
ang iyong pagkabagot. Lilikha ako ng... oras!” At nagsimula nga ang oras.
Kasamang nalikha ng oras ang alaala... at naalala ni Alunsina ang panahong wala
pang laman ang kalawakan, nang hindi siya nakalikha ng kahit ano. “Gusto kong lumikha!” sabi ni Alunsina.
Isang araw, patagong sinundan ni Alunsina si Tungkung Langit. Nang makita siya ni
Tungkung Langit, agad siyang tinanong: “Bakit ka narito? Bakit mo ako sinusundan?”Linggo 5 Linggo 5
10 11
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
Learning Package Learning Package
“Gusto kong lumikha! Diyos din ako tulad mo!” sabi ni Alunsina.
“Nababagot ka ba uli, mahal? Huwag kang mag-alala, lilikhain ko ang kulog at kidlat
para sa iyo!”
Lumiwanag at dumagundong sa buong kalangitan dahil sa kulog at kidlat. Nagulat
ang buong santinakpan. Nagtago ang araw, ang buwan at bituin. Kahit ang hangin ay
tumigil sa pag-ihip! Pero hindi natinag si Alunsina. Nakatayo lang siya doon, nanonood,
nakakunot ang noo.
“Sawa na akong panoorin ka lang lumikha ng planeta at araw at bituin! Sawa na
akong naririto lang, nakaupo, walang ginagawa! Kaya kong lumikha! Isa rin akong diyosa!”
Pero hindi siya pinakinggan ni Tungkung Langit. Umalis siya at lumikha pa ng maraming bagay sa kalawakan. Akala niya ay nagpapapansin lang si Alunsina.
Hindi na nakayanan ni Alunsina ang lungkot sa kaniyang puso, kaya lumayas siya sa
kanilang tirahan. Pag-uwi ni Tungkung Langit, gulat na gulat siya nang makitang walang
apoy sa kanilang kalan, walang pagkain sa kanilang mesa. At wala na rin ang kaniyang
Alunsina.
“Alunsina! Alunsina!” Hinanap nang hinanap ni Tungkung Langit ang kaniyang asawa,
ngunit hindi niya ito matagpuan. Tinawag niya nang tinawag ang pangalan ni Alunsina,
ngunit walang binalik ang hangin kundi alingawngaw.
Lumipas ang mahabang panahon, at nasawa rin sa paglikha si Tungkung Langit. Arawaraw, hinanap ni Tungkung Langit ang kaniyang iniibig. Ngunit wala siyang nakita.
Isang araw, sumilip si Tungkung Langit mula sa ilang ulap. Hinawi niya ang mga ulap
at sa kaniyang gulat, naroon ang kaniyang asawang si Alunsina.
“Anong ginagawa mo diyan, mahal? Matagal na kitang hinahanap!”
Tumingala si Alunsina. Kitang-kita sa kaniyang mukha ang kaligayahang matagal nang
hinahangad ni Tungkung Langit.
“Nilikha ko ang daigdig. Ang daigdig na may puno at halaman, isda at mga ibon.
Nilikha ko ang mga bundok, ang langit, ang karagatan. Nilikha ko ang buhay, dahil isa rin
akong diyos.” At nagpatuloy si Alunsinang lumikha.
Nasaktan si Tungkung Langit. Ang kaligayahang nakita niya sa mukha ng kaniyang
asawa ay hindi dahil sa pagkakita sa kaniya.
Mula noon, hindi na bumalik si Alunsina sa kalangitan. Paminsan-minsan, sinusubok
siyang pabalikin ni Tungkung Langit sa pamamagitan ng paglikha ng kulog at kidlat. Ngunit hindi na babalik muli si Alunsina.
Mula noon, upang mabisita ni Tungkung Langit ang kaniyang dating asawa, kailangan
niyang mag-anyong ulan. Ulan na didilig sa daigdig na nilikha ng kaniyang iniibig, si Alunsina.Linggo 6 Linggo 6
12 13
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
Learning Package Learning Package
ALAMAT NI TUNGKUNG LANGIT
Roberto Añonuevo
Hindi makapaniwala ang mga tao noon na wala naman talagang langit at lupa. Ako, si
Alunsina, at ang asawa kong si Tungkung Langit ang pinagmulan ng lahat ng bagay. Kaming dalawa lamang ang pinag-ugatan ng buhay. Mula sa kaibuturan ng kawalan, itinakda
ng aming kasaysayan ang paglitaw ng daigdig ng mga tao.
Nabighani si Tungkung Langit nang una niya akong makita. Katunayan, niligawan niya
ako nang napakatagal, sintagal ng pagkakabuo ng tila walang katapusang kalawakan na
inyong tinitingala tuwing gabi. At paanong hindi mapaiibig si Tungkung Langit sa akin?
Mahahaba’t mala-sutla ang buhok kong itim. Malantik ang aking balakang at balingkinitan ang mahalimuyak na katawan. Higit sa lahat, matalas ang aking isip na tumutugma
lamang sa gaya ng isip ni Tungkung Langit.
Kaya sinikap ng aking matipuno’t makapangyarihang kabiyak na dalhin ako doon sa
pook na walang humpay ang pag-agos ng dalisay, maligamgam na tubigan. Malimit kong
marinig ang saluysoy ng tubig, na siya ko namang sinasabayan sa paghimig ng maririkit
na awit. Napapatigalgal si Tungkung Langit tuwing maririnig ang aking tinig. “Alunsina,”
aniya, “ikaw ang iibigin ko saan man ako sumapit!” Pinaniwalaan ko ang kaniyang sinambit. At ang malamig na simoy sa paligid ang lalo yatang nagpapainit ng aming dibdib
kapag kami’y nagniniig.
Napakasipag ng aking kabiyak. Umaapaw ang pag-ibig niya; at iyon ang aking nadama, nang sikapin niyang itakda ang kaayusan sa daloy ng mga bagay at buhay sa buong
kalawakan.
Iniatang niya sa kaniyang balikat ang karaniwang daloy ng hangin, apoy, lupa, at
tubig. Samantala’y malimit akong maiwan sa aming tahanan, na siya ko namang kinayamutan. Bagaman inaaliw ko ang sarili sa paghabi ng mga karunungang ipamamana sa
aming magiging anak, hindi mawala sa aking kalooban ang pagkainip. Wari ko, napakahaba ang buong maghapon kung naroroon lamang ako’t namimintana sa napakalaki
naming bahay.
Madalas akong gumawi sa aming pasigan, at manalamin sa malinaw na tubig habang
sinusuklay ang mababangong buhok. Ngunit tuwing tititig ako sa tubig, ang nakikita ko’y
hindi ang sarili kundi ang minamahal na si Tungkung Langit.
Sabihin nang natutuhan ko kung paano mabagabag. Ibig kong tulungan ang aking
kabiyak sa kaniyang mabibigat na gawain. Halimbawa, kung paano itatakda ang hihip ng
hangin. O kung paano mapasisiklab ang apoy sa napakabilis na paraan. O kung paano
gagawing malusog ang mga lupain upang mapasupling nang mabilis ang mga pananim.
Ngunit ano man ang aking naisin ay hindi ko maisakatuparan. Tumatanggi ang aking
mahal. “Dito ka na lamang sa ating tahanan, Alunsina, di ko nais na makita kang nagpapakapagod!”
Tuwing naririnig ko ang gayong payo ni Tungkung Langit, hindi ko mapigil ang maghinanakit. Kaparis ko rin naman siyang bathala, bathala na may angkin ding kapangyarihan
at dunong. Tila nagtutukop siya ng mga tainga upang hindi na marinig ang aking pagpupumilit. Nagdulot iyon ng aming pagtatalo. Ibig kong maging makabuluhan ang pag-iral.
At ang pag-iral na yaon ang sinasagkaan ng aking pinakamamahal.
Araw-araw, lalong nagiging abala si Tungkung Langit sa kaniyang paggawa ng kung
ano-anong bagay. Makikita ko na lamang siyang umaalis sa aming tahanan nang napakaaga, kunot ang noo, at tila laging malayo ang iniisip. Aaluin ko siya at pipisilin naman
niya ang aking mga palad . “Mahal kong Alunsina, kapag natapos ko na ang lahat ay wala
ka nang hahanapin pa!” At malimit nagbabalik lamang siya kapag malalim na ang gabi.
Sa mga sandaling yaon, hindi ko mapigil ang aking mga luha na pumatak; napapakagat-labi na lamang ako habang may pumipitlag sa aking kalooban.
Dumating ang yugtong nagpaalam ang aking kabiyak. “Alunsina, may mahalaga
akong gawaing kailangang matapos,” ani Tungkung Langit. “Huwag mo na akong hintayin
ngayong gabi’t maaga kang matulog. Magpahinga ka. Magbabalik din agad ako. . . .” May
bahid ng pagmamadali ang tinig ng aking minamahal. Lingid sa kaniya, nagsisimula nang
mamuo sa aking kalooban ang matinding paninibugho sa kaniyang ginagawa. Umalis nga
si Tungkung Langit at nagtungo kung saan. Subalit pinatititikan ko siya sa dayaray upang
mabatid ang kaniyang paroroonan. Ibig ko siyang sundan.
Natunugan ni Tungkung Langit ang aking ginawa. Nagalit siya sa dayaray at ang
dayaray ay isinumpa niyang paulit-ulit na hihihip sa dalampasigan upang ipagunita ang
pagsunod niya sa nasabing bathala. Samantala, nagdulot din yaon ng mainit na pagtatalo
sa panig naming dalawa.
“Ano ba naman ang dapat mong ipanibugho, Alunsina?” asik ni Tungkung Langit
sa akin. “Ang ginagawa ko’y para mapabuti ang daloy ng aking mga nilikha sa daigdig
ng mga tao!” Napoot ang aking kabiyak sa akin. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang
paglalagablab, at lumalabas sa kaniyang bibig ang usok ng pagkapoot. Dahil sa nangyari,
inagaw niya sa akin ang kapangyarihan ko. Ipinagtabuyan niya ako palabas sa aming
tahanan.Linggo 6 Linggo 6
14 15
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
Learning Package Learning Package
Oo, nilisan ko ang aming bahay nang walang taglay na anumang mahalagang bagay.
Nang lumabas ako sa pintuan, hindi na muli akong lumingon nang hindi ko makita ang
bathalang inibig ko noong una pa man. Hubad ako nang una niyang makita. Hubad di ako
nang kami’y maghiwalay.
Alam kong nagkamali ng pasiya si Tungkung Langit na hiwalayan ako. Mula noon, nabalitaan ko na lamang na pinananabikan niya ang paghihintay ko sa kaniya kahit sa gitna
ng magdamag; hinahanap niya ang aking maiinit na halik at yakap; pinapangarap niyang
muling marinig ang aking matarling na tinig; inaasam-asam niya na muli akong magbabalik sa kaniyang piling sa paniniwalang ibig kong makamit muli ang kapangyarihang inagaw niya sa akin. Ngunit hindi.
Hindi ko kailangan ang aking kapangyarihan kung ang kapangyarihan ay hindi mo rin
naman magagamit. Hindi ko kailangan ang kapangyarihan kung magiging katumbas iyon
ng pagkabilanggo sa loob ng bahay at paglimot sa sariling pag-iral.
Ipinaabot sa akin ng dayaray ang naganap sa dati naming tahanan ni Tungkung Langit. Sinlamig ng bato ang buong paligid. Pumusyaw ang dating matitingkad na palamuti
sa aming bahay. Lumungkot nang lumungkot si Tungkung Langit at laging mainit ang
ulo. “Mabuti naman,” sabi ko sa dayaray. “Ngayon, matututo rin si Tungkung Langit na
magpahalaga sa kahit na munting bagay.”
Umaalingawngaw ang tinig ni Tungkung Langit at inaamo ako dito sa aking bagong
pinaghihimpilan upang ako’y magbalik sa kaniya. Ayoko. Ayoko nang magbalik pa sa
kaniya. Kahit malawak ang puwang sa aming pagitan, nadarama ko ang kaniyang paghikbi. Oo, nadarama ko ang kaniyang pighati. Lumipas ang panahon at patuloy niya akong
hinanap. Ngunit nanatili siyang bigo.
Ang kaniyang pagkabigo na mapanumbalik ang aking pagmamahal ay higit niyang
dinamdam. Nagdulot din yaon sa kaniya upang lalong maging malikhain sa paghahanap.
Akala niya’y maaakit ako sa kaniyang gawi. Habang nakasakay sa ulap, naisip niyang
lumikha ng malalawak na karagatan upang maging salamin ko. Hindi ba, aniya, mahilig
si Alunsina na manalamin sa gilid ng aming sapa? Nababaliw si Tungkung Langit. Hind
gayon kababaw ang aking katauhang mabilis maaakit sa karagatan.
Pumaloob din si Tungkung Langit sa daigdig na nilikha niya na laan lamang sa mga
tao. Naghasik siya ng mga buto at nagpasupling ng napakaraming halaman, damo, palumpong, baging, at punongkahoy. “Marahil, maiibigan ito ni Alunsina,” ang tila narinig
kong sinabi niya. Gayunman, muli siyang nabigo dahil hindi ako nagbalik sa kaniyang
piling.
Humanap pa ng mga paraan ang dati kong kabiyak upang paamuin ako. Halimbawa,
kinuha niya sa dati naming silid ang mga nilikha kong alahas. Ipinukol niya lahat ang mga
alahas sa kalawakan upang masilayan ko. Naging buwan ang dati kong ginintuang suklay;
naghunos na mga bituin ang mga hiyas ko’t mutya; at naging araw ang ginawa kong pamutong sa ulo. Kahit ano pa ang gawin ni Tungkung Langit, hindi na muli akong nagbalik
sa kaniyang piling.
Namighati siya. At nadama niya kung paanong mamuhay nang mag-isa, gaya lamang
ng naganap sa akin dati doon sa aming tirahan. Lumuha nang lumuha si Tungkung Langit,
at ang kaniyang pagluha ay nagdulot sa unang pagkakataon ng pag-ulan. Kapag siya’y
humahagulgol, nagbubunga yaon ng malalakas na pagkulog at pagkidlat. May panahong
tumitindi ang kaniyang pighati, kaya huwag kayong magtaka kung bakit umuulan. Ang
mga luha ni Tungkung Langit ang huhugas sa akin, at sa aking kumakawag na supling.
Hango sa mito ng Hiligaynon at Waray, at muling isinalaysay ni Roberto T. AñonuevoLinggo 7 Linggo 8
16 17
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
Learning Package Learning Package
SALAMIN
Assunta Cuyegkeng
Walang kurap siyang titingin sa akin,
itong kakambal ko sa salamin.
Pag-aaralan ang linya at pekas
na unti-unti nang kumalat sa aking mukha
pag-aaralan pati ang mata kong
kape pala ang ang kulay, hindi itim.
Walang kurap siyang magmamasid,
pag-aaralan ang takbo ng aking dibdib
na kung minsan, kumakabog,
kung minsan, natutulog.
Dito nagtatago ang aking mangingibig,
ina at ama, anak, kapatid,
ang init ng gising kong dugo,
ang hininga ng Diyos na matiyagang
nakikinig.
Tatapatan niya ako,
sisipatin mula paa hanggang ulo
at ihaharap sa akin,
walang retoke,
ang buo kong pagkatao.
Canterbury, 1 Mayo 1992
Gumuhit siya ng ibon
Lumipad ito palayo
Gumuhit siya ng isda,
Lumangoy ito sa hangin.
Gumuhit siya ng bulaklak,
Nagkalat ang halimuyak sa dilim.
Iginuhit niya ang sarili,
At inangkin siya ng kambas.
ANG PINTOR
Jerry GracioLinggo 9 Linggo 9
18 19
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
Learning Package Learning Package
IMPENG NEGRO
Rogelio R. Sikat
BAKA makikipag-away ka na naman, Impen.”
Tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral na naman. Mula sa kinatatalungkuang giray
na batalan, saglit siyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa kamay.
“Hindi ho,” paungol niyang tugon.
“Hindi ho...,” ginagad siya ng ina. “Bayaan mo na nga sila. Kung papansinin mo’y lagi
ka ngang mababasag-ulo.”
May iba pang sinasabi ang kanyang ina ngunit hindi na niya pinakinggan. Alam na
niya ang mga iyon. Paulit-ulit na niyang naririnig. Nakukulili na ang kanyang tainga.
Isinaboy niya ang tubig na nasa harap. Muli siyang tumabo. Isinawak niya ang kamay,
pinagkiskis ang mga palad at pagkaraa’y naghilamos.
“Dumaan ka kay Taba mamayang pag-uwi mo,” narinig niyang bilin ng ina. “Wala
nang gatas si Boy. Eto ang pambili.”
Tumindig na siya. Nanghihinamad at naghihikab na iniunat ang mahahabang
kamay. Inaantok pa siya. Gusto pa niyang magbalik sa sulok na kanyang higaan. Ngunit
kailangang lumakad na siya. Tatanghaliin na naman bago siya makasahod. At naroon
na naman marahil si Ogor. Kahit siya ang nauna ay lagi siyang inuunahan ni Ogor sa
pagsahod.
Umingit ang sahig ng kanilang barungbarong nang siya’y pumasok.
“Nariyan sa kahon ang kamiseta mo.”
Sa sulok ng kanyang kaliwang mata’y nasulyapan niya ang ina. Nakaupo ito, taas ang
kaliwang paa, sa dulo ng halos dumapa nang bangko. Nakasandig ang ulo sa tagpiang
dingding. Nakalugay ang buhok. Bukas ang kupasing damit na giris, nakahantad ang
laylay at tuyot na dibdib. Kalong nito ang kanyang kapatid na bunso. Pinasususo.
“Mamaya,aka umuwi ka namang...basag ang mukha.”
Bahagya na niyang maulinigan ang ina. Nakatitig siya sa tatlo pa niyang kapatid.
Sunud-sunod na nakatalungko ang mga ito sa isa pang bangkong nas atagiliran ng
nanggigimalmal na mesang kainan. nagsisikain pa.
Matagal na napako ang kanyang tingin kay Kano, ang sumunod sa kanya. Maputi
si Kano, kaya ganito ang tawag dito sa kanilang pook. Kakutis ni Kano ang iba pa
niyang kapatid. Marurusing ngunit mapuputi. May pitong taon na si Kano. Siya nama’y
maglalabing-anim na. Payat siya ngunit mahahaba ang kanyang biyas.
Hinalungkat na niya ang kahong karton na itinuro ng ina. Magkakasama ang mga
damit nila nina Kano, Boyet at Diding. Sa may ilalim, nakuha niya ang kulay-lumot niyang
kamiseta. Hinawakan niya iyon sa magkabilang tirante. Itinaas. Sinipat.
“Yan na’ng isuot mo.” Parang nahulaan ng kanyang ina ang kanyang iniisip.
Isinuot niya ang kamiseta. Lapat na lapat sa kanya ang kamisetang iyon noong
bagong bili ngunit ngayo’y maluwag na. Nagmumukha siyang Intsik-beho kapag suot iyon
ngunit wala naman siyang maraming kamisetang maisusuot. Mahina ang kita ng kanyang
ina sa paglalabada; mahina rin ang kanyang kita sa pag-aagwador.
Nagbalik siya sa batalan. Nang siya’y lumabas, pasan na niya ang kargahan. Tuluytuloy niyang tinungo ang hagdan.
“Si Ogor, Impen,” pahabol na bilin ng kanyang ina. “Huwag mo nang papansinin.”
Naulinigan niya ang biling iyon at aywan kung dahil sa inaantok pa siya, muntik na
siyang madapa nang matalisod sa nakausling bato sa may paanan ng kanilang hagdan.
Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya ng ina.
Huwag daw siyang makikipagbabag. Huwag daw niyang papansinin si Ogor. Talaga raw
gayon ito: basagulero. Lagi niyang isinasaisip ang mga biling ito ngunit sadya yatang hindi
siya makapagtitimpi kapag naririnig niya ang masasakit na panunuksyo sa kanya sa gripo,
lalung-lalo na mula kay Ogor.
Si Ogor, na kamakailan lamang ay bumabag sa kanya, ang malimit magsisimula ng
panunukso:
“Ang itim mo, Impen!” itutukso nito.
“Kapatid mo ba si Kano?” isasabad ng isa sa mga nasa gripo.
“Sino ba talaga ang tatay mo?”
“Sino pa,” isisingit ni Ogor, “di si Dikyam!”Linggo 9 Linggo 9
20 21
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
Learning Package Learning Package
Sasambulat na ang nakabibinging tawanan. Pinakamatunog ang tawa ni Ogor. Si Ogor
ang kinikilalang hari sa gripo.
Noong una, sinasagot niya ang mga panunuksong ito:
“E ano kung maitim?” isasagot niya.
Nanunuri ang mga mata at nakangising iikutan siya ni Ogor. Pagkuwa’y bigla na
lamang nitong kakayurin ng hintuturo ang balat sa kanyang batok.
“Negrung-negro ka nga, Negro,” tila nandidiring sasabihin ni Ogor. Magsusunuran
nang manukso ang iba pang agwador. Pati ang mga batang naroon: Tingnan mo ang
buhok. Kulot na kulot! Tingnan mo ang ilong. Sarat na sarat! Naku po, ang nguso...
Namamalirong!
Sa katagalan, natanggap na niya ang panunuksong ito. Iyon ang totoo, sinasabi niya
sa sarili. Negro nga siya. Ano kung Negro? Ngunit napapikit siya. Ang tatay niya’y isang
sundalong Negro na nang maging anak siya’y biglang nawala sa Pilipinas.
Ang panunuksong hindi niya matanggap, at siya ngang pinagmulan ng nakaraan
nilang pagbababag ni Ogor, ay ang sinabi nito tungkol sa kanyang ina. (Gayon nga kaya
kasama ang kanyang ina?)
“Sarisari ang magiging kapatid ni Negro,” sinabi ni Ogor. “Baka makatatlo pa ang
kanyang nanay ngayon!”
Noong kabuntisan ng kanyang ina sa kapatid niyang bunso ay iniwan ito ng asawa.
Hindi malaman kung saan nagsuot. At noon, higit kailanman, naging hamak sila sa
pagtingin ng lahat. Matagal-tagal ding hindi naglabada ang kanyang ina, nahihiyang
lumabas sa kanilang barungbarong. Siya ang nagpatuloy sa pag-aagwador. At siya ang
napagtuunan ng sarisaring panunukso.
Natandaan niya ang mga panunuksong iyon. At mula noon, nagsimula nang
umalimpuyo sa kanyang dibdib ang dati’y binhi lamang ng isang paghihimagsik:
nagsusumigaw na paghihimagsik sa pook na iyong ayaw magbigay sa kanila ng
pagkakataong makagitaw at mabuhay nang payapa.
Sariwa pa ang nangyaring pakikipagbabag niya kay Ogor, naiisip ni Impen habang
tinatalunton niya ang mabatong daan patungo sa gripo. Mula sa bintana ng mga
barungbarong, nakikita niyang nagsusulputan ang ulo ng mga bata. Itinuturo siya ng mga
iyon. Sa kanya rin napapatingin ang matatanda. Walang sinasabi ang mga ito, ngunit sa
mga mata, sa galaw ng mga labi nababasa nya ang isinisigaw ng mga paslit: Negro!
Napapatungo na laamang siya.
Natatanaw na niya ngayon ang gripo. Sa malamig ngunit maliwanag nang sikat ng
araw, nakikita na niya ang langkay ng mga agwador. Nagkakatipun-tipon ang mga ito.
Nagkakatuwaan. Naghaharutan.
Sa langkay na iyon ay kilalang-kilala niya ang anyo ni Ogor. Paano niya malilimutan
si Ogor? Sa mula’t mula pa, itinuring na siya nitong kaaway, di kailanman binigyan ng
pagkakataong maging kaibigan.
Halos kasingulang niya si Ogor, ngunit higit na matipuno ang katawan nito. Malakas
si Ogor. Tuwid ang tindig nito at halos hindi yumuyuko kahit may pasang balde ng tubig;
tila sino mang masasalubong sa daan ay kayang-kayang sagasaan.
Nang marating niya ang gripo ay tungo ang ulog tinungo niya ang hulihan ng pila.
Marahan niyang inalis sa pagkakakawit ang mga balde. Sa sarili, nausal niyang sana’y
huwag siya ang maging paksa ng paghaharutan at pagkakatuwaan ng mga agwador.
Nakakaanim na karga na si Impen. May sisenta sentimos nang kumakalansing sa
bulsa ng kutod niyang maong. May isa pang nagpapaigib sa kanya. Diyes sentimos na
naman. Kapag tag-araw ay malaki-laki rin ang kinikita ng mga agwador. Mahina ang tulo
ng tubig sa kanilang pook. At bihira ang may poso.
Tanghali na akong makauuwi nito, nausal niya habang binibilang sa mata ang mga
nakapilang balde. Maluwag ang parisukat na sementong kinatitirikan ng gripo at ang
dulo ng pila’y nasa labas pa niyon.
Di-kalayuan sa gripo ay may isang tindahan. Sa kalawanging medya-agwa niyon ay
nakasilong ang iba pang agwador. May naghubad na ng damit at isinampay na lamang sa
balikat. May nagpapaypay May kumakain ng halu-halo.
Sa pangkat na iyon ay kay Ogor agad natutok ang kanyang tingin. Pnilit niyang supilin
ang hangaring makasilong. Naroon sa tindahan si Ogor. Hubad-baro at ngumingisi.
Mauupo na lamang siya sa kanyang balde. Mabuti pa roon, kahit nakabilad sa init.
Pasasaan ba’t di iikli ang pila? naisip niya. Makasasahod din ako.Linggo 9 Linggo 9
22 23
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
Learning Package Learning Package
Kasalukuyan siyang nagtitiis sa init nang may maulinigan siyang siga mula sa
tindahan:
“Hoy, Negro, sumilong ka. Baka ka pumuti!”
Si Ogor iyon. Kahit hindi siya lumingon, para na niyang nakita si Ogor. Nakangisi at
nanunukso na naman.
“Negro,” muli niyang narinig, “sumilong ka sabi, e. Baka ka masunog!”
Malakas ang narinig niyang tawanan. Hindi pa rin siya lumilingon. Tila wala siyang
naririnig. Nakatingin siya sa nakasahod na balde ngunit ang naiisip niya’y ang bilin ng ina,
na huwag na niyang papansinin si Ogor. Bakit nga ba niya papansinin si Ogor?
Tinigilan naman ni Ogor ang panunukso. Hindi pa rin siya umaalis sa kinauupuang
balde. At habang umiisod ang pila, nararamdaman niyang lalong umiinit ang sikat ng
araw. Sa paligid ng balde, nakikia niya ang kanyang anino. Tumingala siya ngunit siya’y
nasilaw. Nanghahapdi at waring nasusunog ang kanyang balat. Tila ibig nang matuklap
ang balat sa kanyang batok, likod at balikat. Namumuo ang pawis sa kanyang anit at sa
ibabaw ng kanyang nguso. may butil na rin ng pawis sa kanyang ilong.
Itinaas niya ang tirante ng kamiseta. Hinipan-hipan niya ang manipis na dibdib. Di
natagalan, isinawak niya ang kamay sa nalalabing tubig sa balde. Una niyang binasa
ang batok---kaylamig at kaysarap ng tubig sa kanyang batok. Malamig. Binasa niya ang
ulo. Kinuskos niya ang kanyang buhok at nabasa pati ang kanyang anit. Binasa niya ang
balikat, ang mga bisig. May nadama siyang ginhawa ngunit pansamantala lamang iyon.
Di nagtagal, muli niyang naramdaman na tila nangangalirang na naman ang kanyang
balat. Kay hapdi ng kanyang batok at balikat.
“Negro!” Napauwid siya sa pagkakaupo nang marinig iyon. Nasa likuran lamang niya
ang nagsalita. Si Ogor. “Huwag ka nanag magbibilad. Doon ka sa lamig.”
Pagkakataon na ni Ogor upang sumahod. At habang itinatapat nito ang balde sa
gripo, muli niyang nakita na nginingisihan siya nito.
Napakatagal sa kanya ang pagkapuno ng mga balde ni ogor. Napabuntong-hininga
siya nang makitang kinakawitan na ni Ogor ang mga balde. Sa wakas, aalis na si Ogor,
naisip niya. Aalis na si Ogor. Huwag na sana siyang bumalik.
May galak na sumusuno sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang pagkapuno
ng sinundang balde. Susunod na siya. Makaka sahod na siya. Makakasahod na rin ako,
sabi niya sa sarili. pagkaraan ng kargang iyon ay uuwi na siya. Daraan pa nga pala siya kay
Taba. Bibili ng gatas.
Datapwa, pagkaalis ng hinihintay niyang mapunong balde, at isasahod na lamang
ang sa kanya, ay isang mabigat at makapangyarihang kamay ang biglang pumatong sa
kanyang balikat. Si Ogor ang kanyang natingala. Malapit lamang pala ang pinaghatidan
nito ng tubig.
“Gutom na ako, Negro,” sabi ni Ogor. “Ako muna.”
Pautos iyon. Iginitgit ni Ogor ang bitbit na balde at kumalantog ang kanilang
mga balde. Iginitgit din niya ang sa kanya, bahagya nga lamang at takot na paggitgit.
“Kadarating mo pa lamang, Ogor, nais niyang itutol. Kangina pa ako nakapila rito, a. Ako
muna sabi, e,” giit ni Ogor.
Bantulot niyang binawi ang balde, nakatingin pa rin kay Ogor. Itinaob niya ang
kaunting nasahod na balde at ang tubig ay gumapang sa semento at umabog sa kanilang
mga paa ni Ogor. Uuwi na ako, bulong niya sa sarili. Uuwi na ako. Mamaya na lang
ako iigib uli. Nakatingin sa araw, humakbang siya upang kunin ang pingga ngunit sa
paghakbang na iyon, bigla siyang pinatid ni Ogor.
“Ano pa ba ang ibinubulong mo?”
Hindi n a niya narinig iyon. Nabuwal siya. Tumama ang kanan niyang pisngi sa labi
ng nabiawang balde. Napasigaw siya. Malakas. Napaluhod siya sa madulas na semento.
Kagyat na bumaha ang nakaliliyong dilim sa kanyang utak. Habang nakaluhod, dalawang
kamay niyang tinutop ang pisngi. Takot, nanginginig ang kanyang mga daliri. Dahandahan niyang iniangat iyon. Basa...Mapula...Dugo!
Nanghilakbot siya. Sa loob ng isang saglit, hindi niya maulit na salatin ang biyak na
pisngi. Mangiyak-ngiyak siya.
“O-ogor...O-ogor...” Nakatingala siya kay Ogor, mahigpit na kinukuyom ang mga
palad. Kumikinig ang kanyang ulo at nangangalit ang kanyang ngipin. “Ogor!” sa wakas ay
naisigaw niya.
Hindi minabuti ni Ogor ang kanyang pagsigaw. Sinipa siya nito. Gumulong siya. Buwal Linggo 9 Linggo 9
24 25
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
Learning Package Learning Package
ang lahat ng baldeng nalalabi sa pila. Nagkalugkugan. Nakarinig siya ng tawanan. At
samantalang nakadapa, unti-unting nabuo sa walang malamang sulingan niyang mga
mata ang mga paang alikabukin. Paparami iyon at pumapaligid sa kanya.
Bigla siyang bumaligtad. nakita niya ang naghuhumindig na anyo ni Ogor. Nakaakma
ang mga bisig.
“O-ogor...”
Tumawa nang malakas si Ogor. Humihingal at nakangangang napapikit siya. Pumuslit
ang luha sa sulok ng kanyang mga mata. Nasa ganito siyang kalagayan nang bigla niyang
maramdaman ang isang ubos-lakas na sipa sa kanyang pigi. Napasigaw iya. Umiiyak
siyang gumuglong sa basa at madulas na semento. Namimilipit siya. Tangan ang sinipang
pigi, ang buong anyo ng nakaangat niyang mukha’y larawan ng matinding sakit.
Matagal din bago napawi ang paninigas ng kanyang pigi. Humihingal siya. Malikot
ang kanyang mga mata nang siya’y bumangon at itukod ang mga kamay sa semento.
Si Ogor...Sa mula’t mula pa’y itinuring na siya nitong kaaway...Bakit siya ginaganoon
ni Ogor?
Kumikinig ang kanyang katawan. Sa poot. Sa naglalatang na poot. At nang makita
niyang muling aangat ang kanang paa ni Ogor upang sipain siyang muli ay tila nauulol na
asong sinunggaban niya iyon at niyakap at kinagat.
Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si Ogor. nagyakap sila. Pagulung-gulong.
Hindi siya bumibitiw. Nang siya’y mapaibabaw, sinunud-ssunod niya: dagok, dagok,
dagok... pahalipaw... papaluka...papatay.
Sa pook na iyon, sa nakaririmarim na pook na iyon, aba ang pagtingin sa kanila.
Marumi ng babae ang kanyang ina. Sarisari ang anak. At siya isang maitim, hamak na
Negro! Papatayin niya si Ogor. papatayin. Papatayinnn!
Dagok, dagok, dagok...Nag-uumigting ang kanyang mga ugat. Tila asong nagpipilit
makapaibabaw si Ogor. Tila bakal na kumakapit ang mga kamay. Sa isang iglap
siya naman ang napailalim. Dagok, dagok. Nagpipihit siya. Tatagilid. Naiiri. Muling
matitihaya. Hindi niya naiilagan ang dagok ni Ogor. Nasisilaw siya sa araw. Napipikit siya.
Mangungudngod siya, mahahalik sa lupa. Ngunit wala siyang nararamdaman sakit. Wala
siyang nararamdamang sakit!
Kakatatlo ng asawa si Inay. Si Kano...si Boyet...si Diding...At siya...Negro. Negro.
Negro!
Sa mga dagok ni ogor, tila nasasalinan pa siya ng lakas. Bigla, ubos-lakas at naguumiri siyang umigtad. napailalim si Ogor. Nahantad ang mukha ni Ogor. Dagok, bayo,
dagok, bayo, dagok, bayo, dagok...Kahit saan. Sa dibdib. Sa mukha. Dagok, bayo, dagok,
bayo, dagok, dagok, dagok...
Mahina na si ogor. Lupaypay na. Nalalaglag na ang nagsasanggang kamay.
Humihingal na rin siya, humahagok. Ngunit nagliliyab pa rin ang poot sa kanyang mga
mata. Dagok. Papaluka. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok...
Gumagalaw-galaw ang sabog na labi ni Ogor.
“Impen...”
Muli niyang itinaas ang kamay.
“I-Impen...” Halos hindi niya narinig ang halingling ni Ogor. “I-Impen...s-suko n-na...aako...s-suko...n-na...a-ako!”
Naibaba niya ang nakataas na kamay. Napasuko niya si Ogor! Napatingala siya Abutabot ang pahingal. makaraan ang ilang sandali, dahan-dahan at nanlalambot siyang
tumindig, nakatuon ang mga mata kay Ogor. Wasak ang kanyang kamiseta at duguan ang
kanyang likod. May basa ng dugo’t lupa ang kanyang nguso.
Maraming sandaling walang nangahas magsalita. Walang makakibo sa mga agwador.
Hindi makapaniwala ang lahat. Lahat ay nakatingin sa kanya.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga nakapaligid sa kanya. Walang pagtutol sa mga mata
ng mga ito. Ang nababakas niya’y paghanga. Ang nakita niya’y pangingimi.
Pinangingimian siya!
May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama. Luwalhati. Hinagud-hagod
niya ang mga kamao. nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Ang tibay. Ang
tatag. Ang kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa’y
nakapikit at buka ang labing nag-angat siya ng mukha.
Sa matinding sikat ng araw, tila sya ang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na
nakatindig sa pinagwagihang larangan. Linggo 9 Linggo 9
26 27
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
Learning Package Learning Package
Story Mountain
Punan ang story mountain mahahalagang pangyayari sa loob ng akda.
Paghahambing (Venn Diagram)
Paghambingin si Ogor at Impen. Ilagay sa nagtatagpong espasyo ang pagkakatulad nila.
SIMULA WAKAS
GITNA Ogor ImpenLinggo 9 Linggo 9
28 29
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
B
A
I
T
A
N
G
7
U
N
A
N
G
M
A
R
K
A
H
A
N
Learning Package Learning Package
Talasalitaan
Bilugan ang titik ng kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit.
Gawing gabay ang pagkakagamit nito sa pangungusap.
1. Mabilis na dumadausdos ang malambot na lupa mula sa bundok.
A. bumababa
B. dumarami
C. rumaragasa
2. Nagsisilbing suklob ang mga ulap kapag matindi ang sikat ng araw.
A. sagabal
B. silong
C. palamuti
3. Magaling na humilis o kumalanting ng iba’t ibang instrumento ang kaibigan ko.
A. gumawa
B. tumugtog
C. mangolekta
4. Sa Mindoro, pinapatunog ang agung tuwing may pagdiriwang.
A. plawta
B. gitara
C. gong
5. Makukulay ang manik sa mga kuwintas ng ilang pangkat etniko sa Filipinas.
A. butil
B. tali
C. disenyo
6. Maganda ang tunog ng hihip kung maayos ang pagkakatugtog nito.
A. plawtang kawayan
B. gitarang bao
C. tansong gong
7. Mag-ingat sa gubat at baka makasabat kayo ng mababangis na hayop.
A. makahuli
B. makain
C. makasalubong
8. Naririnig ang anas ng banayad na hangin sa paggalaw ng mga dahon.
A. mahinang ingay
B. dabog
C. batingting
9. Para hindi mahulog, maingat na maglakad sa dalisdis ng bundok.
A. gilid
B. tuktok
C. paanan
10. Ang malapad na dahon ng gábi ay nakayungyong sa mga maliliit na halaman.
A. nagbibigay ng lilim
B. nang-aagaw ng liwanag
C. nagtatago

Walang mga komento:

Mag-post ng isang Komento